dzme1530.ph

Netizens, nag-react sa pagpapalag ni Jolina Magdangal sa titulong “Pop Icon” ni Julie Ann San Jose

Tila nabi-bitter at ayaw magpapalit ni Jolina Magdangal sa kanyang titulo bilang “Pop Icon”.

Ito ang inis na sabi ng mga netizen nang mag-react sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros nang tawaging isang “Pop Icon” sa isang upcoming singing competition si Julie Anne San Jose.

Sa latest episode kasi ng morning show nina Melai at Jolina, proud at gigil na sinabi ni Melai na si Jolina ang tunay na Pop Icon.

Pumatol pa sa pamamagitan ng social media post si Jolina kung saan ibinahagi niya ang kanyang achievements kasama ang Pinay icons na sina jaya at regine velazquez na bumenta ng mahigit 200,000 copies ng albums.

Hinala ng fans, pumalag ang kampo ni Jolina sa unang titulo na ibinigay kay Julie Anne bilang “Pop Icon” coach na ngayon ay binago na at pinalitan na lamang na “Limitless Star”. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author