dzme1530.ph

6 sundalo, 2 hinihinalang miyembro ng Maute group, patay sa sagupaan sa Lanao del Norte

Patay ang anim na sundalo at dalawang hinihinalang miyembro ng grupong Maute sa operasyon ng militar sa Bayan ng Munai, sa Lanao del Norte.

Ayon kay Army Public Affairs Office Chief, Col. Louie Dema-ala, apat na sundalo at ilan pang miyembro ng bandidong grupo ang nasugatan din sa sagupaan, kahapon.

Sinabi ni Dema-ala na nagpapatuloy ang pursuit operation, na bahagi pa rin ng pag-neutralize sa mga nasa likod ng pagpapasabog sa Mindanao State University noong Disyembre.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr., sa mga pamilya ng mga sundalong nagbuwis ng buhay, kasabay ng pagtiyak na dudurugin ng militar ang Maute group.

About The Author