dzme1530.ph

5 katao, kritikal sa pagsambulat ng mga paputok sa Zamboanga City

Limang katao ang nasa kritikal na kondisyon kasunod nang pagsabog habang nagsasagawa ng fireworks disposal sa Zamboanga City.

Sa lakas ng pagsabog, nasira ang isang bahay, Simbahan at iba pang istruktura malapit sa military firing range sa Barangay Cabatangan.

Ayon sa report, nasa 19 katao ang nasugatan sa naturang insidente.

Nanggaling ang mga paputok sa warehouse sa Barangay Tetuan kung saan nagkaroon ng pagsabog noong June 29 na ikinasawi ng limang indibidwal.

About The Author