Nangako si Senate President Francis Escudero na maipapasa ng Senado on-time ang proposed 2025 national budget.
Kasunod ito ng approval ng Kamara sa sa P6.352 trillion 2025 general appropriations bill o GAB.
Ipinaliwanag ni Escudero na sa ngayon ay hindi pa sila makapagbigay ng timeline sa pagtalakay nila sa panukalang budget hangga’t hindi pa nila natatangggap ang GAB mula sa Kamara.
Binigyang-diin naman ng senate leader na mula Agosto naman ay nagsasagawa na ang Senate Committee on Finance ng mga pagdinig sa panukalang budget ng iba’t ibang ahensya at opisina ng pamahalaan.
Inaasahan ding magpapatuloy ang mga committee hearing sa proposed budget kahit ngayong naka-session break ang Senado. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News