dzme1530.ph

Taiwan, mamimigay ng $200 sa bawat residente bilang New Year Blessing

Mamimigay ang Taiwan ng halos $200 dollars o higit 11,000 piso sa bawat residente bilang New Year Blessing.

Ayon kay Taiwanese Premier Su Tsengchang, ibabahagi sa lahat ang mga ibinunga ng pagsigla ng kanilang ekonomiya.

Sinabi ng Taiwanese Leader na kabuuang 140 bilyong Taiwanese dollar mula sa Tax Revenue ang ilalaan bilang Cash Payout.

Target simulan ang cash payout sa pag-uumpisa ng Lunar New Year.

Gayunman, ang pamamahagi ng pera sa bawat residente ay kailangan munang aprubahan ng Taiwanese Parliament.

Sa Forecast ng Taiwan Central Bank, nakikitang aabot sa 2.91% ang inilago ng kanilang Gross Domestic Product (GDP) para sa taong 2022, inaasahang lalago pa ito ng 2.53% ngayong 2023.

About The Author