dzme1530.ph

20 vloggers, mino-monitor ng NBI dahil sa pagpapakalat ng fake news

Loading

Mino-monitor ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawampung (20) vloggers na inakusahang nagpapakalat ng fake news sa online, kabilang ang dalawa na may kinakaharap nang warrants of arest.

Kinumpirma ni NBI Dir. Jaime Santiago na mayroon silang listahan ng mga vlogger at mga online posts ng mga ito kamakailan.

Isa aniya sa vloggers na nasa listahan ay naka-base sa United States.

Pinag-aaralan na ng NBI ang posibleng mga kaso na isasampa laban sa mga vlogger na nagpapalaganap ng fake news.

Sinabi ni Santiago na pasok ang mga ito sa Cyberlibel at Inciting to Sedition, kasabay ng paalala  sa publiko na ang Freedom of Speech at Freedom of Expression ay mayroong limitasyon at hindi absolute.

About The Author