dzme1530.ph

2 Pinoy na inaresto sa Japan, iniimbestigahan na sa kasong Murder

Iniimbestigahan na ngayon sa kasong Murder ang dalawang Pilipino na inaresto sa Japan, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Inaresto ang dalawa noong Enero dahil sa pag-abandona sa bangkay ng mag-asawang hapones sa bahay ng mga biktima sa Tokyo.

Nang dakpin ang mga Pinoy ay hindi pa sila isinasangkot sa pagpatay sa may edad na Japanese couple na natagpuan sa loob ng banyo na may mga saksak sa katawan.

Ayon sa Philippine Embassy sa Japan, aalamin pa ng piskalya kung mayroong sapat na ebidensya para pormal na kasuhan ang mga Pinoy.

Tiniyak naman ng DFA na ipagpapatuloy nila ang pagbibigay ng tulong sa dalawang Pilipino.

About The Author