dzme1530.ph

2 mahihinang pagputok, muling naobserbahan sa Bulkang Taal

Dalawang phreatic o steam-driven eruptions ang muling naobserbahan sa Taal Volcano sa Batangas.

Ayon sa PHIVOLCS, nangyari ang mga pinakabagong mahinang pagputok, kahapon ng umaga at kagabi.

Naitala ang unang phreatic eruption, 5:33 a.m. hanggang 5:37 a.m. habang ang ikalawa ay mula 7:03 p.m. hanggang 7:10 p.m.

Noong Linggo ay nakapagtala rin ang PHIVOLCS ng dalawang minor phreatic eruptions sa Taal na tumagal ng mula 3 hanggang 13 minuto. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author