dzme1530.ph

Solusyon vs transpo strike, pinag-aaralan na sa Senado

Sisikapin ng Senado na makahanap ng solusyon para mapigilan ang nakaambang week-long strike ng mga transport group sa susunod na linggo laban sa nalalapit na pag phase-out sa mga traditional Jeepneys.

Ayon kay Senate Committee on Public Services Chairperson Grace Poe, naghain na siya ng resolusyon para hikayatin ang LTFRB na ipagpaliban ang pag phase-out ng mga lumang pampasaherong jeep hanggang hindi natutugunan ang hinaing at isyu ng transport group sa Jeepney Modernization Program.

Sinuspinde naman ng mga senador ang 3-day rule sa pagtatakda ng anumang pagdinig kung kaya isang pagdinig na lamang ang isasagawa bukas ala-1:30 ng hapon.

Katwiran ng mga senador, mahalaga ang isyu at kinakailangan ng agarang hakbangin upang mapigilan ang tigil pasada.

Sa naturang pagdinig ay pahaharapin ng senado ang mga opisyal ng DOTr, LTFRB at mga lider ng transport groups.

About The Author