![]()
𝐈𝐋𝐎𝐈𝐋𝐎 𝐂𝐄𝐍𝐓𝐑𝐀𝐋 𝐌𝐀𝐑𝐊𝐄𝐓, 𝐊𝐈𝐍𝐈𝐋𝐀𝐋𝐀 𝐁𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐎𝐃𝐄𝐋 𝐍𝐆 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐂-𝐏𝐑𝐈𝐕𝐀𝐓𝐄 𝐏𝐀𝐑𝐓𝐍𝐄𝐑𝐒𝐇𝐈𝐏 𝐏𝐑𝐎𝐉𝐄𝐂𝐓
Binisita ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang Iloilo Central Market na isang public-private partnership (PPP).
Pinuri ni Zamora ang redevelopment ng palengke bilang isa sa mga flagship at best practices ng siyudad ng Iloilo pagdating sa PPP.
Aniya, magkatulong ang lokal na pamahalaan ng Iloilo City at ang SM Group upang paunlarin at gawing moderno at mahusay ang pamamahala ng pampublikong pamilihan.
Kasama ni Zamora ang First Gentleman ng Iloilo City na si Francis Chu sa paglilibot niya sa mga pasilidad ng palengke, kung saan nakipag-usap din siya sa mga nagtitinda.
Pumasok ang Iloilo City Government at SM Prime sa 25-year lease agreement, kung saan namuhunan ang korporasyon ng nasa 1.5 billion pesos at 2.5 billion pesos para sa modernisasyon ng Iloilo Central Market at Iloilo Terminal Market, para gawing mas malinis, ligtas, at efficient na commercial hub.
