dzme1530.ph

Zero hospital bill para sa OFWs at pamilya nito, isusulong

Loading

Plano ni ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo na maghain ng panukalang batas para sa ‘zero hospital bill’ ng mga OFW at pamilya nito.

Paliwanag ng kongresista, napakalaki ng naiaambag sa ekonomiya ng mga OFW, kaya makatwiran lang na sagutin ng lahat ng PhilHealth ang hospital bill kung sila ay magkakasakit gayun din ng kanilang pamilya dito sa Pilipinas.

Sa ngayon ilang bahagi pa lamang ng hospital bills at sakit ang sinasagot ng PhilHealth, kaya hindi maiwasan na mag out-of-the-pocket o bumunot pa sa kanilang bulsa.

Sa binubuong panukala nakapaloob na cover ng ‘zero billing’ ang pamilya ng isang OFW kung sila rin ay magkakasakit at maho-hospital.

Inamin ni Tulfo na ito rin ang kahilingan ng mismong mga OFWs na naka-daupang palad niya nang mangampanya ito sa kanyang senatorial bid sa Paris, France kasabay ng Barrio Fiesta 2025 celebrations.

About The Author