DZME1530

YG Entertainment, magpapa-audition sa Pilipinas para sa susunod na K-Pop idols

Inanunsyo ng YG Entertainment, na siyang nasa likod ng hitmakers na BlackPink, na magsasagawa sila ng auditions para sa aspiring K-Pop idols sa Pilipinas sa Abril.

Gayunman, bukas lamang ito para sa mga ipinanganak sa pagitan ng 2004-2012.

Ginawa ng South Korean music label ang announcement para sa kanilang global auditions sa pamamagitan ng kanilang official Facebook page.

Isasagawa ang audition sa Zero Studio sa Quezon City sa April 16, habang ang pre-application period ay nagsimula na kahapon, March 7 hanggang sa April 9.

Ayon sa label, ang aspiring K-Pop idols ay maari lamang mag-try out para sa isang category, kabilang ang “vocal, rap, dance, and appearance.”

About The Author