dzme1530.ph

Work From Home arrangement, dapat ipatupad sa halip na maningil ng EDSA congestion fees

Loading

Parusa lamang at dagdga na gastusin na itinuturing ni Senador Joel Villanueva ang planong Edsa Congestion Fees o ang pagpapataw ng bayad sa mga daraan sa Edsa sa piling oras o sa rush hour.

Binigyang-diin ni Villanueva na bagama’t kailangan ang mga reporma sa pamamahala sa trapiko, hindi patas na pinupuntirya ng pagpapataw ng congestion fee ang mga ordinaryong Pilipino na umaasa sa mga pribadong sasakyan dahil sa kakulangan ng mahusay at maaasahang pampublikong transportasyon.

Sa halip anya na parusahan ang mga motorista ng dagdag na bayad, dapat ay i-maximize ang potensyal ng Work from Home Law, na hindi lamang nagpapagaan ng trapiko kundi nagtataguyod din ng balanse sa buhay-trabaho at nagpapataas ng productivity.

Pangunahing may akda ng  Republic Act No. 11165, o Work From Home Law si Villanueva na nagmamandato ng institusyonal sa telecommuting bilang alternatibong kaayusan sa trabaho para sa mga empleyado ng pribadong sektor.

Isinusulong ng batas ang work-from-home arrangement, upang mabawasan  ang dami ng mga sasakyan sa mga pangunahing lansangan tulad ng EDSA nang hindi nagpapataw ng karagdagang pinansiyal na pasanin sa mga motorista.

Tinitiyak ng Work from Home Law na ang mga empleyadong nagtatrabaho mula sa bahay ay tumatanggap ng parehong mga karapatan at benepisyo tulad ng kanilang mga on-site na katapat, kabilang ang pantay na suweldo, mga karapatan sa bakasyon, at mga pagkakataon sa pagpapaunlad ng karera.

About The Author