dzme1530.ph

Senado, babalangkasin na ang impeachment rules habang naka break ang sesyon ng Kongreso

Loading

Pag-aaralan at rerebisahin ng Senado ang kanilang impeachment rules habang naka-break ang sesyon ng Kongreso para sa eleksyon.

Ito ang kinumpirma ni Senate President Chiz Escudero bilang pangunahing paghahanda sa inaasahang impeachment trial sa pagpasok ng Hunyo.

Sinabi ni Escudero na aatasan na niya ang Senate secretary at ang kanilang legal bureau gayundin ang mga legal experts na maaaring i-outsource ng Senado para bumalangkas na ng patakaran.

Habang nakabakasyon anya ay maaaring konsultahin ang mga senador sa binabalangkas na impeachment rules upang mas maging mabilis ang approval sa pagbabalik ng sesyon sa June 2.

Gagamitin din namang batayan sa pagbalangkas ng mga bagong regulasyon ang Impeachment rules na ginamit sa paglilitis noon kay dating Pangulong Joseph Estrada at kay dating Chief Justice Renato Corona.

Ipinaliwanag ni Escudero na kailangang makatugon ang kanilang impeachment rules sa mga bagong rules of court na itinakda ng Supreme Court.

About The Author