dzme1530.ph

VETERAN ACTRESSS FLORA GASSER, PUMANAW NA

Pumanaw na ang Veteran actress na si Flora Gasser.

Inanunsyo ng kanyang apong si Valerie Ocampo na namayapa na ang aktres noong sabado, Nobyembre a bente.

Hindi naman ibinahagi ang sanhi ng pagkamatay ng aktres.

Ibinurol ang labi ni Gasser sa St. Peter Chapel sa Commonwealth, Quezon City.

Nagsimula ang karera ni Gasser noong 1970s, habang ikinasal naman siya sa namayapang newscaster na si Harry Gasser.

Ilan sa mga ginampanan niyang pelikula ay ang “Annie Batungbakal,” “Batang Z” at “Kumander Bawang”, at huli siyang lumabas sa short film na “Nene” noong 2020.

About The Author