dzme1530.ph

US lawmakers, ipinabatid ang pagkabahala sa China aggression sa courtesy call sa Pangulo

Nag-courtesy call kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang anim na US senators na bahagi ng US Congressional Delegation.

Tinanggap ng Pangulo sa Malacañang sina US Senators Kirsten Gillibrand, Jeanne Shaheen, Roger Marshall, Mark Kelly, Cynthia Lummis, at Michael Bennet.

Kasama rin nila si US Congressman Adriano Espaillat.

Sa kaniyang welcome message, inihayag ng Pangulo na umaasa siyang magiging produktibo ang panahong igugugol ng US lawmakers sa bansa, sa harap ng pagtalakay sa geopolitical issues.

Sinabi naman ni Sen. Gillibrand na pinuno ng US delegation, na nakikiisa sila sa pagkabahala sa mga agresibong aksyon ng China.

About The Author