dzme1530.ph

TROPICAL STORM SAUDEL, POSIBLENG PUMASOK SA PAR SA LINGGO O LUNES, AYON SA PAGASA

Loading

Posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang tropical storm na may international name na “Saudel” sa pagitan ng Linggo hanggang Lunes.
 
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyo sa labas ng PAR, 2,800 km silangan ng Eastern Visayas, taglay ang lakas ng hanging aabot sa 75 km/h at pagbugso na hanggang 90 km/h.
 
Sinabi ni PAGASA Assistant Weather Services Chief Chris Perez na dahil sa inaasahang pagpasok ng bagong bagyo, hindi nila isinasantabi ang posibilidad na paiigtingin nito ng Habagat sa susunod na linggo.
 
Samantala, inaasahan naman ang paglabas ng bagyong Neneng sa northern boundary ng PAR ngayong Huwebes.
 
Huling na-monitor si Neneng, 450 km hilaga ng Itbayat, Batanes, taglay ang hanging umaabot sa 45 km/h at pagbugso na hanggang 55 km/h habang mabagal na kumikilos pahilaga-hilagang-silangan.

About The Author