dzme1530.ph

DEATH TOLL MULA SA MGA BAGYONG LUIS AT MAYMAY, AT HABAGAT, 29 NA

Loading

Sumampa na sa 29 ang death toll sa pinagsamang epekto ng mga bagyong Luis, Maymay at ng Habagat, ayon sa Office of Civil Defense.
 
Batay sa pinakahuling datos ng ahensya, 15 ang nasawi sa Benguet, tig-apat sa Rizal at Batangas, dalawa sa Caloocan, habang tig-isa sa La Union, Quezon, Oriental Mindoro, at Negros Occidental.
 
Sinabi ng OCD na nasawi ang mga biktima bunsod ng landslides at rockslides, mayroon ding nabagsakan ng puno, nalunod, tinangay ng malakas na agos, nakuryente at naaksidente sa kalsada.
 
Nakapagtala rin ang OCD ng labinsiyam na nasugatan habang tatlo pa ang nawawala.
 
Umabot na sa mahigit 6.5 milyong indibidwal ang naapektuhan ng masamang panahon sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, CALABARZON, Cordillera Administrative Region, Metro Manila, at MIMAROPA.

About The Author