dzme1530.ph

Target na political asylum ni dating Pangulong Duterte sa China, tinawag na fake news

Loading

Tinawag na fake news ni Sen. Ronald Bato dela Rosa ang impormasyon na nagtungo sa Hong Kong si dating Pangulong Rodrigo Duterte upang humiling ng political asylum subalit hindi tinanggap.

Tanong ni dela Rosa kung sino ang nagpapakalat ng naturang kasinungalingan.

Iginiit ng senador na nagtungo ang dating Pangulo sa Hong Kong upang harapin ang Filipino community at tulungan silang mga kandidato ng PDP-Laban para sa nalalapit na eleksyon.

Aminado naman si dela Rosa na hindi niya mapipigil ang anumang aksyon ng mga tagasuporta ng dating Pangulo sa kung anong nais nilang gawin subalit para sa kanya mas mabuting pairalin ang pagiging kalmado at magkaroon ng peace of mind ang bawat isa.

About The Author