dzme1530.ph

Taas-presyo sa LPG, sumalubong ngayong unang araw ng Pebrero.

Taas-presyo sa Liquefied Petroleum Gas (LPG) ang sumalubong sa mga consumer ngayong unang araw ng Pebrero.

Ayon sa Petron, epektibo ngayong araw ang P11.20 kada kilo ang itinaas sa presyo ng kanilang household LPG habang P6.25 sa kada litro ng kanilang Auto LPG.

Samantala, ang Solane naman ay nagpatupad ng P11.18 na increase sa kada kilo ng kanilang cooking gas.

Sinabi ng mga kumpanya ng langis na resulta ito ng International Contract Price ng LPG para sa buwan ng Pebrero.

About The Author