dzme1530.ph

Suplay ng manok sa bansa, sapat sa Christmas season

Tiniyak ng ilang Agricultural groups na sapat ang suplay ng manok sa Christmas season kahit hindi na mag-import.

Sinabi ni Gregorio San Diego, Chairman ng United Broiler Raisers Assocaition na base sa datos ng Dept. of Agriculture ay mayroong surplus ng naturang karne na aabot ng 114 na araw.

Dahil dito, hindi aniya mamomroblema ang mga konsyumer pagsapit ng holiday season, kung saan o kailan tumataas ang demand ng manok at iba pang produktong pang-agrikultura.

Una na ring tiniyak ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) at Philippine Rural Reconstruction Movement (PRRM) na aabutin ang naturang suplay hanggang sa first quarter ng 2024. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author