Ibinunyag ng dancer na si Sugar Mercado na nagkaroon sila ng matagal na relasyon ng TV Host at Senatorial aspirant na si Willie Revillame.
Sa YouTube channel ng talent manager at online show host na si Ogie Diaz, inamin ni Sugar sa publiko ang 7-taong naging relasyon ni Willie sa kauna-unahang pagkakataon.
Nagkasama sina Sugar at Willie sa “Will Time Bigtime” simula 2011 hanggang 2012 at sa “Wowowin” noong 2017.
Sinabi pa ni Sugar na private person ang TV Host at wala siyang pinagsisisihan sa kanyang mga nagdaang desisyon.
Aminado rin si Sugar na minahal niya ng sobra si Willie, at mananatili ito sa puso nila ng kanyang mga anak habang buhay.