dzme1530.ph

Senado, review sa issue ng POGO, ilalabas ngayong linggo

Inaasahang maglalabas ngayong linggo ang Senate Ways and Means Committee ng report kaugnay sa mga issues sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.

Sinabi ni Senate Ways and Means Panel Chairman Senator Sherwin Gatchalian, na target niyang mag-labas ng report o rekomendasyon sa darating na martes o miyerkules.

Noong Disyembre, nagsagawa umano ng review ang komite at mayroong mga nakitang bago na nais nilang pag-usapan sa committee hearing na itinakda ngayong araw.

Ayon pa sa senador, mas mabuting dalhin ang issues sa isang pagdinig para maging patas o  may transparency,  gaya ng issue kung  paano nagbabayad ng income tax ang mga dayuhang nagtatrabaho sa POGOs.

Samantala, inihayag ni Gatchalian na mahalaga ang isang third-party auditor dahil masisiguro nito ang transparency sa mga kita ng POGOs sa bansa.

About The Author