dzme1530.ph

Maharlika Fund, maisasapinal ng Senado pagkatapos ng Holy Week

Target ni Senate President Juan Miguel Zubiri na maipapasa sa ikatlong pagbasa ang panukalang batas na magtatatag sa Maharlika Investment Fund (MIF) pagkatapos ng Semana Santa.

Sa panayam kay Zubiri, maipapasa ang MIF Bill sa Committee Level bago mag break ang senado.

Iminungkahi rin niya, ang agarang pagsasagawa ng mga pagdinig sa panukalang batas na sinertipikahan bilang urgent ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Balik-session ngayong araw ang kongreso at mag a-adjourn sa Marso 24 o bago ang Holy Week.

About The Author