dzme1530.ph

Sen. Padilla, hindi kinalangan ng travel authority para sa pagbiyahe sa The Netherlands

Loading

Nilinaw ni Senate President Francis Escudero na hindi sila nag-isyu ng travel authority kay Sen. Robin Padilla para sa pagtungo sa The Netherlands bilang pagpapakita ng suporta kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito aniya ay batay sa mensahe ni Senate Secretary Renato Bantug.

Sa report ni Bantug, sinabi nitong hindi nagrequest si Padillla ng travel authority mula sa Senate Protocol Services dahil hindi naman official travel ang kanyang byahe.

Batay aniya sa policy order noong 2016 na inisyu ni dating Senate President Franklin Drilon, kailangan lamang ng mga senador ng travel authority kapag official travel ang kanyang biyahe at hindi na kailangan sa personal trips.

Matatandaang si Padilla ay tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte makaraang siyang gawaran ng absolute pardon na bumura sa kanyang final conviction sa kasong illegal possession of firearms.

About The Author