dzme1530.ph

Rep. Arnie Teves posibleng masibak sa kamara sakaling hindi magbalik-bansa

Nagbabala si DOJ Sec. Jesus Crispin Remulla na posibleng masibak si Cong. Arnolfo Teves Jr. sakaling hindi pa ito bumalik ng bansa.

Sinibi rin ni Remulla, na nasa kamay ng kamara ang pagdedesisyon sa kapalaran ni Teves matapos ilang ulit na sinabihang magpakita ng personal sa House of Representatives.

Dagdag ni Remulla, hindi pwedeng diktahan ng Department of Justice ang kamara kung ano ang gagawin patungkol kay Teves.

Matatandaang, tinukoy ng mga nahuling suspek na umanoy sangkot si Teves sa pagpatay kay Gov. Roel Degamo at walo pang indibidwal nuong March 4.

Binigyan ng authorize travel si Teves sa America para magpagamot ngunit na-expired ito nuong March 9.

About The Author