dzme1530.ph

1 suspek sa pagpatay kay NegOr Gov. Degamo, sumuko na

Sumuko na sa mga otoridad ang isa pang suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at walong iba pa.

Ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos, mayroon umanong hawak na mahahalagang impormasyon sa kaso ang suspek na makatutulong sa pagtugis sa iba pang kasamahan nito.

Nasa kustodiya na aniya ng AFP ang sumukong suspek na sunod na ipadadala sa NBI.

Sinabi naman ni DOJ Sec. Jesus Crispin Remulla na isang dating sundalo at umano’y pangunahing ‘player’ sa pagkakapaslang kay Degamo ang sumukong suspek.

Sa ngayon limang suspek na ang hawak ng mga otoridad.

Titiyakin ani Remulla na hindi sila titigil hanggat hindi nahahanap ang mga suspek sa Degamo slay case.

About The Author