Ipinag utos ni Philippine National Police Chief, Gen. Rommenl Francisco Marbil sa lahat ng unit ng Pambansang Pulisya na paigtingin ang seguridad at pag alalay sa mga dadalaw sa puntod ng mahal nila sa buhay sa Undas.
Itoy upang tiyakin sa publiko na ligtas nilang maidaraos ang okasyon at maramdaman ang mga pulis sa pamamagitan ng paglaban sa krimen at oagpapanatili ng kaayusan at katahimuman sa mga komunidad.
Bukod sa mga sementeryo, nagdagdag ng pulis visibility sa mga lugar tulad ng mga terminal ng bus, pantalan, simbahan, mall at iba pang pampublikong lugar.
Kasunod nito, hinikayat ng PNP Chief ang publiko na manatiling alerto, mapagmatyag at huwag mag atubiling i-report sa pulisya ang anumang kahina-hinalang aktibidad na kanilang makikita at sundin ang tagubilin ng mga kinauukulan. —ulat mula kay Allen Ibañez