dzme1530.ph

Pilipinas, nakapagtala ng P46-B na budget surplus noong Enero

Nakapagtala ang pamahalaan ng P45.7-B na budget surplus noong Enero, kabaliktaran ng P23.4-B na budget deficit na naiulat sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, batay sa datos ng Bureau of Treasury, ang favorable outcome ay resulta ng mas malaking revenues kumpara sa government spending.

Ang revenues noong Enero ay lumago ng 25% o P305.4-B habang ang spending ay bahagya lamang umangat ng 0.3% o P302.4-B.

About The Author