dzme1530.ph

Pilipinas, kumita ng mahigit ₱65-B sa turismo noong Enero

Loading

Ibinida ng Department of Tourism (DOT) na kumita ang Pilipinas ng mahigit ₱65-B mula sa mga produkto at serbisyo na may kaugnayan sa turismo sa unang buwan ng 2025.

Itinuturing ito ni Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco, na senyales na nakabangon na ang turismo ng bansa mula sa epekto ng pandemya.

Batay sa tala ng DOT, ang tourism revenue noong Enero ay mas mataas kumpara sa ₱43-B na nai-record noong January 2019, bago tumama ang COVID-19 pandemic.

Samantala, inihayag din ng ahensya na kabuuang 1,167,908 foreign travelers ang bumisita sa Pilipinas sa unang dalawang buwan ng 2025.

About The Author