dzme1530.ph

PBBM, sinaksihan ang Ceremonial Signing para sa contract packages ng North – South Commuter Railway Project

Sinaksihan ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Ceremonial Signing para sa contract packages ng North – South Commuter Railway Project.

Idinaos ang seremonya sa Malacañang na dinaluhan din ng mga kinatawan mula sa Dep’t of Transportation, at iba’t ibang bidders.

Nakatakdang selyuhan ngayong araw ang NSCR contract packages S-02 at S-03B.

Mababatid na una nang nilagdaan noong Marso ang CPNS-01 o ang kontrata para sa electromechanical systems and track works ng proyekto.

 Ang North-South Commuter Railway Project ay magkaroon ng habang 147 kilometro, at ito ang magiging pinaka-mahabang railway line ng Philippine National Railways na magpapa-ikli ng biyahe mula sa Clark, Pampanga hanggang Calamba, Laguna. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author