![]()
May alok na libreng sakay ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa mga batang labingwalong taong gulang pababa sa Lunes, November 3, bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Children’s Month.
Sa advisory, inihayag ng MRT-3 na ang libreng sakay para sa mga bata ay mula alas-siyete hanggang alas-nwebe ng umaga at mula alas-singko ng hapon hanggang alas-siyete ng gabi.
Ang libreng sakay sa tren ay tugon sa hiling ng National Council for the Welfare of Children.
Ipinagdiriwang ang National Children’s Month tuwing Nobyembre, alinsunod sa Republic Act 10661 o “National Children’s Month Act.”
Ito’y bilang pagkilala sa mga bata bilang most valuable assets ng bansa at pagbibigay-diin sa kanilang mahalagang papel sa pamilyang Pilipino at sa lipunan.
