dzme1530.ph

PBBM, dumalo sa iba’t ibang aktibidad sa Lapu-Lapu City para sa komemorasyon ng Battle of Mactan

Dumalo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa iba’t ibang aktibidad sa Lapu-Lapu City sa Cebu ngayong araw ng Sabado, April 27, para sa komemorasyon ng ika-503 Anibersaryo ng Battle of Mactan.

Pinangunahan ng Pangulo ang seremonya sa Liberty Shrine sa Brgy. Mactan, at nag-alay ito ng bulaklak sa bantayog ni Lapulapu.

Sinaksihan din nito ang reenactment ng Battle of Mactan, at Arnis de Abanico’ performance.

Kasunod nito ay pinangunahan ni Marcos ang Capsule Laying Ceremony para sa itatayong Mactan Expo Center sa The Mactan Newton.

Ito ay magsisilbing Convention Hall na magkakaroon ng kakayanang makapag-accommodate ng hanggang 2,500 na katao, at gagastusan ito ng P1.5-billion.

About The Author