Mariing kinondena ng Association of Southeast Asian Nations ang pambobomba sa Mindanao State university sa Marawi City.
Sa inilabas na statement, tinawag ito ng ASEAN bilang isang heinous o karumal-dumal na terrorist attack.
Kasabay nito’y nagpaabot ng pakikiramay ang Regional Bloc para sa pamilya ng mga biktima.
Mababatid na nangyari ang pambobomba sa gitna ng idinaraos na misa sa gymnasium ng unibersidad.
Una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na foreign terrorist ang nasa likod ng pag-atake, habang inako na rin ito ng islamic terrorists. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News