Wala pang natatanggap na anumang impormasyon ang Malakanyang hinggil sa napaulat na pagbibitiw ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy.
Ginawa ni Palace Press Officer Usec, Atty. Claire Castro ang pahayag sa press briefing, kanina.
Sinabi ni Castro na sa ngayon ay wala pa silang update hinggil sa napaulat na resignation ni Uy.
Ang pagbibitiw umano ni Uy ay ilang buwan nang usap-usapan, sa gitna ng pagbatikos ng mga kritiko sa mahinang performance ng kalihim at madalas na pagbiyahe sa ibang bansa.