dzme1530.ph

BINI, IPINAGPALIBAN ANG EUROPEAN LEG NG KANILANG ‘SIGNALS’ TOUR

Loading

Pinostpone ng BINI ang European leg ng kanilang ongoing na “Signals” tour.
 
Inanunsyo ng Nation’s Girl Group sa kanilang social media accounts na ipinagpaliban ang European leg ng kanilang tour due to “unforeseen circumstances beyond control.”
 
Humingi naman ng paumanhin ang BINI sa disappointment at inconvenience na dulot ng postponement.
 
Nakatakda sanang mag-perform ang BINI sa The Netherlands, Italy, France, United Kingdom, Switzerland, at Germany simula August 30 hanggang September 11.
 
Sinimulan ng P-pop girl group ang kanilang “Signals” tour sa pamamagitan ng back-to-back shows sa Mall of Asia Arena noong June 20 at 21.

About The Author