Pag-aaralan ng Malakanyang ang napaulat na mga donasyon ng umano’y Chinese Spies sa dalawang Police forces at isang Local Government Unit.
Ipinaliwanag ni Press Officer Undersecretary, Atty. Claire Castro na kailangan nilang malaman kung “in good faith” kaya ibinigay ang donasyon, at hindi naman aniya masama na tumanggap nito.
Ipinaalala ni Castro na noong kasagsagan ng Covid-19 pandemic ay mayroong mga donasyong ambulansya ang China sa Davao City Local Government.
Gayunman, kung ibinigay aniya ang donasyon subalit may kakaibang dahilan, kailangang imbestigahan kung sino ang mga tumanggap na opisyal, upang hindi na maulit na sila ay nagagamit nang hindi nila nalalaman.