Pagpatay sa turista sa Boracay, isolated incident

dzme1530.ph

Pagpatay sa turista sa Boracay, isolated incident

Loading

Tiniyak ni dating DILG Sec. Benhur Abalos na very isolated incident ang pagpatay sa isang Slovak national na babae sa isang abandonadong hotel sa Boracay.

Sa panayam dito sa Tacloban City, kinondena ni Abalos ang insidente kasabay pagtiyak na hindi tumitigil ang mga awtoridad sa pag-iimbestiga sa insidente.

Muling binigyang-diin ng dating kalihim at senatorial bet ng Alyansa na ligtas ang Pilipinas, lalo na ang Boracay, ngayon lang nangyari ito sa mahabang panahon.

Sa ngayon aniya ay masyado pang maaga upang sabihing makakaapekto ito sa turismo ng bansa at umaasa siyang agad mareresolba ang kaso.

Iginiit ni Abalos na napakaganda ng bansa natin kaya’t umaasa siyang patuloy na maeengganyo ang mga turista na magtungo sa Pilipinas.

About The Author