![]()
HINIMOK ni Senador JV Ejercito ang gobyerno at ang pribadong sektor na agad nang ipatupad ang mga practical measures upang mabawasan ang bigat ng pasanin ng mga Filipino sa gitna ng tensyon sa Middle East.
Kabilang sa isinusulong ni Ejercito ang pagpapalawak ng work-from-home arrangements, pagbibigay prayoridad sa public transportation, at promosyon ng bike-to-work programs.
Sa pagsisimula anya ng pagpapatupad ng government agencies ng four-day workweek, hinimok din ng senador ang pribadong sektor na rebisahin ang kanilang flexible work arrangements na unang ipinatupad noong pandemic.
Inihain na rin ni Ejercito ang Senate Bill No. 1739 na nagmamandato na palawakin ang saklaw ng Telecommuting Act.
Dapat din anyang bilisan na ng gobyerno ang pagsasaayos ng public transportation upang mabawasan ang mga gumagamit ng pribadong sasakyan.
Mahalaga rin anyang mag-invest sa active mobility infrastructure, kabilang ang safer bike lanes at pedestrian facilities para mahikayat ang tao na mag-bisikleta.
