dzme1530.ph

Pagbubukas ng Egypt border, posible anumang oras ngayong araw, ayon sa DFA

Posibleng anumang oras ngayong araw ay mabubuksan na ang border ng Egypt upang makalabas ang mga Pilipino mula sa Gaza, sa gitna ng digmaan ng Israel at Hamas, ayon Department of Foreign Affairs.

 

Sinabi ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega na nakikipag-ugnayan pa rin ang Israelis sa egyptians para sa proseso, dahil ayaw nilang lumabas ng Gaza, maging ang mga hamas at pumasok sa Egypt.

 

Isa aniya ito sa mga problema kaya inaayos pa ang border arrangements, subalit ayon sa Israeli Ambassador, posibleng mangyari ang pagbubukas ngayong araw.

 

Sa pinakahuling tala ng DFA, mula sa 135 Pinoy sa Gaza, 92 na ang nag-request na ma-repatriate sa gitna ng sagupaan ng Israeli forces at militanteng grupong Hamas. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author