Pansamantalang sususpendihin ang pagtanggap at pag-proseso ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sa Central Office ng Dept. of Social Welfare Development sa Quezon City, para sa Semana Santa 2023.
Sa Facebook post, inanunsyo ng DSWD na hindi sila tatanggap ng mga aplikasyon para sa AICS bukas Abril -6, Huwebes Santo, at Abril a-7, Biyernes Santo.
Suspendido rin ito sa araw ng Lunes, Abril a-10, o ang Araw ng Kagitingan.
Sinabi ng ahensya na ito ay alinsunod sa Proclamation no. 90, Proclamation no. 42, at Memorandum Circular no. 16.
Magbabalik-operasyon ang AICS program ng DSWD Central Office sa Martes, Abril a-11. –sa panulat ni Harley Valbuena, DZME News