dzme1530.ph

Oras para sa last day ng Voter’s Registration, palalawigin ang oras

Kailangan mag-extend ng oras ang mga empleyado ng Commission on Election (COMELEC) para mapagbigyan ang mga hahabol na magparehistro para sa huling araw ng Voter’s Registration para sa Barangay at Sanguniang Kabataaan Election.

Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, dapat lamang mapalawig ang oras o operating hours ng mga empleyado ng COMELEC habang may tao o may nakapila pa sa mga opisina nito.

Ayon naman kay COMELEC Spokeperson Rex Laudianco, ang polisiyang ito ay naka-base sa COMELEC Resolution 10868, na nagtatakda na kailangan mag-extend ang mga empleyado kung may mga tao o pila sa mga opisina ng COMELEC.

Halos isang milyong mga bagong botante na ang nakapag-rehistro sa COMELEC para sa darating na Barangay at SK Election ngayong Oktubre 2023.

About The Author