dzme1530.ph

Operasyon ng MRT-3 at LRT-2, suspendido simula April 6 hanggang April 9

Suspendido ang operasyon ng Metro Rail Transit (MRT) 3 simula April 6, Huwebes Santo hanggang April 9, linggo ng pagkabuhay, sa paggunita sa Semana Santa.

Sa Advisory ng Department of Transportation, magbabalik ang normal na operasyon sa MRT 3 sa April 10, araw ng Lunes.

Inanunsyo naman ng Light Rail Transit Authority na suspendido rin ang operasyon ng LRT 2 sa kaparehong mga petsa.

Taun-taon ay ginugunita ng mga Katolikong Pilipino ang mahal na araw, simula sa linggo ng palaspas na pumatak ng April 2 hanggang sa linggo ng pagkabuhay sa April 9.

About The Author