dzme1530.ph

OMBUDSMAN, MAY 28 PANG TESTIGO SA INIIMBESTIGAHANG KASO LABAN KAY DATING HOUSE SPEAKER MARTIN ROMUALDEZ

Loading

May dalawampu’t walo pang testigo ang Ombudsman na nakahandang magbigay ng direkta at materyal na impormasyon sa mga transaksyong sinisiyasat sa kaso ni dating House Speaker Martin Romualdez.
 
Ayon sa Ombudsman, nasa ilalim na ang mga ito ng legal na proseso.
 
Kabilang anila sa mga ito ay mga taong nakauniporme at aktibo pa rin sa serbisyo.
 
Kasabay nito, sinabi ng Ombudsman na hindi na bago para sa kanila ang pagbawi ng testimonya ng isang testigo sa kanyang salaysay sa isang kaso.
 
Ito ay matapos na mag-recant ng testimonya si dating Sgt. Orly Guteza kaugnay sa anomalya sa flood control projects.
 
Ipinaalala rin ng Ombudsman na ang mga taong naisailalim na sa legal na proseso ay may obligasyon na sa ilalim ng batas na makipagtulungan sa kaso.

About The Author