dzme1530.ph

Ogie Diaz, ipinaalala kay Liza Soberano na may 2 proyekto ito bago ang ‘Hello, Love, Goodbye’

Kinumpirma ni Ogie Diaz na unang inalok ang pelikulang “Hello, Love, Goodbye” kina Liza Soberano at Enrique Gil, kasabay ng pagbibigay diin na may mga proyektong naibibigay sa ibang mga artista.

Sinabi ng talent manager na nang inalok kay Liza ang pelikula ay nagsu-shooting ito para sa “Bagani” at “Darna” movie na kalaunan ay ginawang teleserye at pinagbidahan ni Jane de Leon.

Aniya, nabanggit na rin ng Managing Director ng Star Cinema na si Direk Olivia Lamasan sa panayam sa kanya noon ni Toni Gonzaga, na para dapat kina Liza at Enrique ang “Hello, Love, Goodbye.”

Ipinaliwanag ni Ogie na maraming projects nang mga panahong iyon ang dating alaga at nadisgrasya pa ang daliri nito kaya hindi natuloy ang orihinal na plano para sa pelikula.

Sa interview kay Bea Alonzo, ibinunyag ni Liza na nanatili ang alok kay Enrique subalit ang female lead role ay napunta kay Kathryn Bernardo, at kalaunan naman ay napunta ang male lead role kay Alden Richards.

About The Author