dzme1530.ph

NorthPort Batang Pier nagkamit ng unang panalo sa PBA Governor’s Cup

Nasungkit ng NorthPort Batang Pier ang una nitong panalo matapos ang anim na sunod na talo sa nagpapatuloy na Philippine Basketball Association Governor’s Cup.

Tinambakan ng Batang Pier ang Terrafirma sa score na 115-100 matapos ang kanilang paghaharap kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Pinangunahan ni Kevin Murphy ang Batang Pier sa kanyang 28 points habang nakapagtala si Robert Bolick ng 26 points, 9 rebounds, 6 assists, at 3 steals.

Muli ring nakita sa hard court si Arwind Santos na hindi nakapuntos sa pitong minutong ipinasok nito sa laro.

Mula nang mag-umpisa ang Commissioner’s Cup ay nanatili sa sideline si Santos na mayroong problema sa tuhod.

Samantala, bumagsak ang standing ng Terrafirma sa 2-6 na mayroong apat na sunod na talo.

About The Author