dzme1530.ph

NCSC Chairman Franklin Quijano, pinatawan ng 90-day preventive suspension

Sinuspinde ng 90-araw ng Malacañang si National Commission of Senior Citizens Chairman Franklin Quijano sa harap ng alegasyong Grave Misconduct at Neglect of Duty.

Sa order na pirmado ni Executive Sec. Lucas Bersamin, ipinataw kay Quijano ang preventive suspension upang maiwasan ang anumang impluwensya at pagsira sa ebidensya habang gumugulong ang imbestigasyon.

Sinabi sa utos na alinsunod sa Executive Order no. 292 o Administrative Code of 1987, maaaring patawan ng suspensyon ng kaukulang awtoridad ang sinumang subordinate officer o employee na iniimbestigahan kaugnay ng mga alegasyong dishonesty, oppression o grave misconduct, at neglect of duty, o kung may matibay na batayan na guilty ito sa mga akusasyon.

Ito ay maaaring mag-resulta sa tuluyang pagsibak sa serbisyo kay Quijano.

About The Author