dzme1530.ph

Nationwide strike, ibinabala ng isang labor group

Ibinabala ng Unity for Wage Increase (UWIN) ang posibilidad na manawagan din sila ng nationwide strike kung hindi tutugon ang gobyerno sa hirit nilang dagdag-sweldo.

Sinabi UWIN Co-Convenor Duds Gerodias, dapat kilalanin ng pamahalaan ang pangangailangan ng mga manggagawa na magkaroon ng family living wage.

Aniya, kailangan lamang palakasin ang kampanya at ipaunawa sa mga manggagawa na hindi sapat ang barya-baryang kinikita o sweldo.

Matatandaang naghain ang grupo ng petisyon na P530 wage increase upang maitaas ang arawang sahod sa minimum na P1,100 kada araw sa Metro Manila dahhil sa mataas na presyo ng mga bilihin.

About The Author