Humingi ng paumanhin ang pamunuan ng Metro Rail Transit o MRT 3 sa commuter na nasira ang laptop makaraang dumaan sa X-Ray scanner sa isa nilang istasyon.
Sa statement, nag-sorry ang MRT-3 management sa nangyaring insidente at sa kabiguan ng on-duty personnel na magkaroon ng malasakit sa pasahero.
Sa Twitter, sinabi ni Allana Columbres na nasira ang kanyang laptop nang basta na lamang ilapag ng isa pang pasahero ang gamit nito sa X-Ray scanner, subalit sa halip na tulungan siya ng train station guards ay umaktong walang pakialam ang mga ito.
Gayunman, nang rebyuhin ang security footage, inihayag ng MRT-3 na patayo na inilapag ni Columbres ang laptop, taliwas sa sinabi nito sa social media na pahiga, at mayroon ding sapat na espasyo ang mga gamit nito at sa kasunod nitong pasahero.