dzme1530.ph

Mga underage na solong bibiyahe patungong Singapore para sa Eras Tour ni Taylor Swift, kailangang kumuha ng travel clearance mula sa DSWD

Pinaalalahanan ng Bureau of Immigration (BI) ang mga underage na solong bibiyahe para sa Eras Tour Concert ni Taylor Swift sa Singapore, na kailangan nilang mag-secure ng clearance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Muling inihayag ng BI na required ang travel clearance at parental consent para sa mga biyahero na 18-anyos pababa na mag-isang lalabas ng bansa o ang kanilang kasama ay hindi nila magulang.

Halos 150,000 Pilipino ang lalabas ng bansa sa unang linggo ng Marso, at hindi pa kasama sa bilang ang Eras Tour attendees simula March 2 hanggang 9.

Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na inaasahan nilang dadami ang mga biyahero sa concert period ni Taylor Swift, gayundin sa papasok na summer season. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

About The Author